Kawani ng Gobyerno: Kabalikat Tungo sa Malinis, Tapat at Ma, Philippine Government Employees Association 65th Anniversary and celebration of the 14th Anniversary of NCGEWC, PICC (December 8, 2010)

            Magandang hapon sa inyong lahat.

            Isa pong karangalan na makasama ko kayo sa araw na ito. Hindi naman siguro ikasasama ng loob ng aking mga kasamahan sa pamahalaan kung sasabihin ko na ako ang bukod-tanging taong-gobyerno sa Gabinete, dahil nagsimula po ako sa government service taong 1986 pa, at hanggang ngayon ay naririto pa rin at bahagi ng pamahalaan.

            Ito marahil ang dahilan kung bakit malapit sa aking puso ang mga kawani ng gobyerno.

            Alam ko ang inyong sitwasyon, dama ko ang inyong hinaing, at kinikilala ko ang inyong mga sakripisyo. Ito ang dahilan kung bakit noong ako ay punong-lungsod ng Makati, binigyang-pansin ko ang mga kawani ng pamahalaan at tiniyak na matatanggap nila ang mga benepisyo at pagkilala na nararapat lang na matanggap nila kapalit ng kanilang walang-sawang paglilingkod sa mamamayan at pagbibigay puri at dignidad sa serbisyo publiko.

            Hindi po biro ang gawain natin sa gobyerno. Hindi rin po biro ang madalas ay hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga mamamayan at ng kawani ng gobyerno.

            Madalas nating marinig na kapag sinabing government employee, kadikit nito ang mga salitang tamad, masungit, o ang mas masaklap, kurakot. Masakit pakinggan, pero nangyayari po yan, at masakit mang sabihin, mayroong ilan sa hanay natin ang may ganyang mga katangian.

            Ngunit tiwala ako, at alam kong ito ay patutunayan ninyo, na karamihan sa ating mga kawani sa gobyerno ay masipag, maasikaso, matiyaga at may dangal. Kayo po na mga kasapi ng Philippine Government Employees Association ang siyang patunay nito.

            I know for a fact that most of us render more than the usual eight hours just to be able to serve our fellow Filipinos. I know that many of us go out of our way, even spending our own resources, just to be able to address the needs and concerns of the people we serve. I also know that we rise above ourselves to be able to assist our fellow Filipinos, especially those who have fallen victims to calamities.

            I remember one instance, when the employees of the Office of the Vice President voluntarily stayed in the office overnight to pack relief goods to be sent to victims of typhoon Juan in Northern Luzon. Walang uwian, walang liguan, walang Overtime pay. Ginawa nila sa ngalan ng paglilingkod.

            At yan ay nangyayari sa mga opisina ng gobyero tuwing oras ng pangangangailan. From the local governments to the national government agencies, everyone pitches in, everyone participates willingly and without reservation in order to help those who are in need. Yan po ang halimbawa ng dedikasyon sa serbisyo ng mga kawani ng gobyerno.

            Sinasabi ko po sa inyo ito ngayon dahil nais kong maalala ninyo na dakila kayong mga kawani ng gobyerno. At alam ko na lahat tayo ay nagpupursigi upang maiangat ang ating bayan.

            Sa ilalaim ng administrasyon ng ating mahal na Pangulong Noynoy Aquino, higit natin na kailangan ang mga kawaning tulad ninyo. Kailangan nating pag-isahin ang ating pwersa at puspusang magsilbi para matiyak ang ating pagtahak sa tuwid na landas tungo sa magandang buhay.

            Government employees serve at the frontline of service. You also serve at the frontline of the administration’s drive to restore faith in government, to ensure professionalism, commitment, and transparence in government service.

            Kayo ang mukha ng pagbabago. Sa inyong mga kilos at gawain huhusgahan ng taumbayan kung ang bayan natin ay tunay ngang nasa daang matuwid.

            Buong-buo ang aking tiwala sa inyo, na sa hamong ito ng pagbabago, kayo- tayo na nasa gobyerno- ay handang tumugon at handang ipakita na ang pagbabago ay nagsimula na sa hanay ng mga kawani ng gobyerno.

            However, let me assure you that we in the national leadership are not merely here to pay you lip service. We are likewise doing all that is possible to be able to assure you that government employees, especially those who belong to the rank and file, receive the benefits they deserve in exchange for committed service.

            Umasa kayo na ang inyong pamahalaan ay gumagawa ng lahat upang kilalanin at masuklian ang inyong mga pagsasakripisyo.

            I have noted that today we are launching the Bilis Pabahay – Angat Kabuhayan Program for government employees. I understand that this is part of PGEA’s initiatives to promote the welfare of public servants.

            Sa wari ko ay higit na makikinabang sa programang ito ang mga kasapi ng PGEA na mula sa rank and file, lalo na iyong mga kasama natin na tumitira pa sa maliliit na bahay kasama ang kanilang mga magulang o di kaya ay nangungupahan sa mga apartment o boarding house. Yan pong programa ninyo sa pabahay ay buong-puso kong sinusuportahan.

            Bilang Chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), layunin ko po na patotohanan ang mga adhikain ng administrayong Aquino sa sektor ng pabahay. At yan po ay ang mabigyan ang mamamayang Pilipino, lalo na ang mga mahihirap, ng kanilang sariling tahanan. Sa ganitong paraan, mabibigyan sila ng pagkakataon na mabuhay na may dignidad at payapa ang isipan.

            Kasama dito kayong mga government employees.

            At muli kong inuulit, sa larangan ng pagtataguyod ng interes ng mga kawani, sa pagsusulong ng inyong mga mithiin, at sa pag-iisa ng ating adhikain para sa tapat at hayag na paglilingkod, asahan ninyo na ang inyong lingkod ay lagi ninyong makakasama. Ituring ninyong kakampi ng mga government employees si Jojo Binay.

            Bilang pagtatapos, hayaan ninyong ibahagi ko naman ang tinuran ng isang dating gobernador sa Estados Unidos, na si Robert L. Ehrlich.

            Ang sabi niya ay ganio: “It is appropriate to celebrate public service, and the thoughtful people who choose to serve. They symbolize what is good and decent about this historic citizen legislature, and we thank them.”

            And so, allow me, allow us in the administration, to thank all of you. Allow us to dream your dreams. Allow us to help you realize them.

            Basta’t nagkakaisa tayong lahat, basta’t nagsisikap tayong lahat,ang ating mga pangarap- para sa ating sarili, para sa ating pamilya, at para sa mahal nating Pilipinas- ay tiyak na ating makakamtan.

            Maraming salamat po.