In December of 2008, my involvement with Gawad Kalinga formally started, through a partnership between the City of Makati and GK.
Back then, Makati wanted an innovative approach to the resettlement of our informal settlers. GK, on the other hand, had an impressive track record of building communities where residents are empowered. Both Makati and GK shared a vision - resettlement should go beyond merely providing houses and resettlement sites, but building homes and self-sustaining communities where people have the opportunity to live their lives in dignity.
Sa partnership na ito sa Makati-GK Dreamland sa San Jose del Monte, Bulacan nagsimula ang aming ugnayan sa GK.
At sa ugnayang yan lumawak ang aking pananaw sa problema ng pabahay sa ating bansa. At kung merong mga tao na matatawag natin na siyang nag-udyok sa akin na pamunuan ang Housing and Urban Development Coordination Council o HUDCC, ito po ay ang mga taga-GK.
Kung merong isang katangian ang mga taga-GK, ito ay ang tinatawag sa salitang ingles na persistence. Sa salitang kalye, ang ibig sabihin nito ay pangungulit. The persistence of our friends in GK had stood them well in achieving their vision to bring back dignity to the lives of the homeless, whether it is exercised to transform the minds of the settlers, or to convince businessmen to happily share their blessing with their fellow Filipinos. Magaling pong mangulit ang ating mga kaibigan sa GK. Ako po ay isang patunay ng kagalingan nila Tony Meloto at ng iba pa nating kaibigan sa larangan ng pangungulit.
Gayunpaman, hindi po biro ang problema natin sa bahay.
At present, we have a housing need estimated at 3.6 million. If we multiply that by 70 thousand pesos, which according to our record is the cheapest cost for building a housing unit measuring more or less 24 square meters, we would need a budget of around 252 billion pesos just to address the housing need. Hindi pa po kasama riyan ang halaga ng lupa.
Sa ngayon po, pagkakasyahin namin sa hudcc ang budget namin na tinapyasan ng limampu’t isang porsiyento. Kung sa iba po, ito ay malaking setback, para naman po sa akin, ito po ay hamon para maghanap ng ibang paraan para matugunan ang problema sa pabahay. Bukod po sa mga reporma na ating isinasagawa sa larangan ng housing, nariyan po ang pagpapatibay ng partnership sa private developers. At nariyan rin po ang pagpapalawig ng ating pagkakapatiran, pagpapalalalim ng samahan sa pagitan ng ating pamahalaan at ng mga grupong gaya ng gawad kalinga.
Kung ito pong mga problemang ito sa pabahay ay umusbong sa nakaraang administrasyon, mas malalamang sa hindi na walang kongkretong solusyon ang maibibigay para matutugunan ito. Mas malamang sa hindi na ang pangarap ng bawat pilipino na magkaroon ng sarili nilang tahanan, ang pag-asa nilang gumanda ang buhay at mabuhay nang may dignidad, ay mananatiling pangarap lamang.
Ngunit hindi na po ganito ngayon. Sa buong bansa, at maging sa labas ng ating bansa, nariyan ang kakaiibang sigla. Damang-dama natin ang muling pagsilang ng pag-asa. Sa tulong ng gk, at sa pamumuno ng ating mahal na pangulong noynoy aquino, tiwala po ako, at alam kong tiwala rin kayo, na hindi magtatagal, mabibigyan na ng pag-asa ang ating mga kababayan. Ang pangarap nilang magkaroon ng sariling tahanan, ang inaasam nilang buhay na masaya, matiwasay at maganda, ay hindi mananatiling pangarap pang habam-panahon, bagkus ay magiging katotohanan.
Salamat po sa inyong lahat.