“Marinong Filipino: Dakila Ang Kagitingan”
(IMO Theme: “One Hundred Years Since the Titanic”)
Maraming, maraming salamat po sa inyong paanyaya. Noong nakaraang taon, ako po’y pinalad na makasama kayo sa Araw ng mga Marinong Pilipino at hindi ko po akalain na ang napakainit ninyong pagtanggap sa akin ay mahihigitan pa. Kung kaya’t noong matanggap ko ang sulat ni Fr. Paulo Prigol ng Apostleship of the Sea na muling maging panauhing pandangal sa araw na ito ay hindi na po ako nagdalawang isip na makiisa sa inyong pagdiriwang.
Nabanggit ko noong nakaraang taon na bakas po sa ating kasaysayan na tayong mga Pilipino ay isang lahi na ng mga manlalayag bago pa man tayo sakupin ng mga Kastila. Sa katunayan, ang salitang barangay, ang pinakamaliit na yunit ng pamahalaan natin ngayon, ay hango sa salitang “balangay” o balanghai, ang mga bangka na gamit nga ating mga ninuno.
Ang ating paggunita ngayong taon sa ating mga mandaragat ay higit pang naging makabuluhan sapagkat ginugunita rin natin ngayong taon ang isang daang anibersaryo ng paglubog ng barkong Titanic.
The Titanic was a symbol of promise and progress. No vessel before her had combined the scale and opulence that she possessed. And the affluent members of society at the time were all too eager to cross the oceans aboard the “ship of dreams” that was the Titanic.
That dream quickly turned into a nightmare for over 1,500 people. A collision with an iceberg damaged the vessel and water started to breach the hulls. But while the ship was equipped to cater to every taste and luxury that its passengers demanded, it did not have enough life boats to ferry all passengers to safety if the order to abandon ship was given. Many say this was the fault of antiquated maritime safety regulations but no matter who or what was to blame, the Titanic became a sobering symbol of the dangers of the sea.
While men do not have the power to tame the sea or its currents, we have come a long way since that tragedy cloaked the world in silence. One of the immediate actions after the sinking of the Titanic was the adoption of the first International Convention for the Safety of Life at Sea (the SOLAS Convention).
The unspeakable loss of life raised questions about maritime safety standards and led to the United Kingdom holding a conference to develop binding international regulations. The Conference, which was attended by representatives of 13 countries, introduced new requirements dealing with safety of navigation for all merchant ships. This eventually became known as the SOLAS Convention,[1] and its current standards continue to safeguard the lives of over 1.3 million seafarers in the world, one-third of which are Filipinos.
Ladies and gentlemen,
For almost four decades, our country has been the number one supplier of seafarers in the world. The biggest names in the maritime industry look first to Filipino sailors to crew their ships and each year, around 900 of our countrymen or about 300,000 a year, are deployed to various vessels worldwide.
Each one is more than a sailor. Each one is a provider seeking to build a better future for his family and loved ones. Each one is a real smile and face that proudly represents our heritage and our nation. Each one is a testament to our people’s excellence in the seafaring profession, and each one is a brother of ours, a treasure far more valuable than whatever their vessels hold.
The welfare of men and women at sea is therefore something that is and should always be close to our hearts.
Sa usaping ito ay ikinatutuwa ko pong ipahayag sa inyo, bilang tagapayo ng Pangulo sa usapin ng mga OFW na mayroon tayong mga magagandang balita tungkol sa kaligtasan at kapakanan ng ating mga kababayang mandaragat.
Kamakailan lang, pinagtibay ng ating Senado ang Maritime Labour Convention (MLC) 2006 ng International Labour Organization o ILO. Dahil dito, umabot na po sa tatlumpung bansa ang nag-ratipika ng MLC, ang kinakailangang bilang upang maisatupad ang convention na ito. Simula sa susunod na taon, lahat ng mga manlayayag ay makakasiguro na ang kanilang mga karapatan bilang mga manggagawa ay protektado.
The MLC 2006 serves a significant role in ensuring the well-being of our seafarers. The Department of Labor and Employment calls the ILO MLC 2006, dubbed as the “seafarers’ international bill of rights”, “a single, coherent international instrument that consolidates and updates fundamental principles and labor standards for seafarers.” According to DOLE, “the MLC provides the necessary balance between labor standards and regulation on the one hand, and the promotion of productivity and competitiveness on the other, for both seafarers and ship owners.
One hundred years since the Titanic, ILO MLC 2006 stands as solid proof that we, and many free nations of the world, remain unwavering in our commitment to uplift the working conditions and general welfare of every seafarer.
Hindi lamang po ito ang magandang balita. Noong nakaraang Abril ay nilagdaan ni Pangulong Noynoy Aquino ang Executive Order No. 75, na siyang nag-aatas sa Maritime Industry Authority o MARINA bilang tanging ahensya ng pamahalaan na mangangasiwa sa pagpapatupad ng 1978 International Convention on Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers o ang STCW Convention.[2]
Dahil po rito, magiging sentralisado ang pagsusubaybay at pagsisiguro na ang lahat ng ating mga marino ay nakatatanggap ng kaukulang pagsasanay bago sila lumayag.
Kasalukuyan din pong isinusulong sa Kamara ang House Bill 566. Ang panukalang batas na ito ay naglalayong ipatupad sa ating bansa ang mga kondisyong nakasaad sa ilalim ng ILO MLC.
Sa kabilang banda, bilang chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council, ako at ang sektor ng pabahay ay naglalayon din na mabigyan kayo ng karampatang tulong upang mapaalwan ang pamumuhay ninyo at ng inyong pamilya. Kaya naman minarapat namin na mabigyan kayo ng pantay na pagkakataong makinabang sa lahat ng benepisyo at programa ng pamahalaan – katulad ng sa Pag-IBIG.
Ginawang mandatory ang Pag-IBIG membership ng mga OFW – landbased man o sea-based – upang makapag-impok kayo at mabigyang-katuparan ang inyong pangarap na magkaroon ng sariling bahay.
Pag kayo ay kasapi na ng Pag-IBIG at nakapagbayad na kayo ng katumbas sa dalampu’t apat (24) na buwangkontribusyon, maaari na kayong kumuha ng housing loan para maipatayo o mabili ang inyong bahay. Maaari rin kayong kumuha ng calamity loan kung nasalanta kayo ng kalamidad, huwag naman sana.
Sa pamamagitan ng calamity loan, binibigyan ng pagkakataon ang mga miyembro na makabawi sa unos na dumating sa kanila. Aabot sa porsyento (80%) ng kanyang kabuuang kontribusyon ang maaari nilang hiramin sa Pag-IBIG Fund na babayaran sa loob ng dalawang taon.
Ginagawa ng ating pamahalaan ang lahat ng makakaya nito upang mapangalagaan ang kapakanan ng ninyong mga marino. Sa araw na ito, ito ang aming mga maiaalay sa inyo at tinitiyak ko na hindi dito magtatapos ang aming pagsusumikap.
Sa kabilang banda, manalangin din tayo na gabayan ng Poong Maykapal ang ating mga marino. Magtiwala tayo na ang taimtim na panalangin ng isang bayan ang maghahatid sa mga naglalayag tungo sa isang magandang buhay.
Maraming salamat.
Mabuhay kayong lahat!