Liga ng mga Barangay National Convention, SMX Convention Center Pasay City, 27 September 2012, 9:00 a.m.

            Theme: Nagkakaisang Liga ng mga Barangay sa Pilipinas Tumatahak sa Daang Matuwid

            Noong ako ay mayor pa ng Makati, isa sa mga una kong binigyang pansin ay ang paglalapit ng pamahalaang lungsod sa mga barangay. Sa loob ng mahigit 20 taon ng aking panunungkulan, nagtulungan kami upang maiahon ang lungsod at tiyakin na ang mga biyaya ng pag-unlad ay matatamasa ng mga mamamayan. Ang kariwasaan ng Makati ngayon ay dahil sa pagpupunyagi, pagod, at pakikiisa ng mga barangay sa pagtaguyod ng isang makabago at makataong lungsod.

            The barangay system is unique to us and rooted deep in our history. It existed during pre-Hispanic times, with each barangay being headed by a datu. The system survived through centuries of political change, and even in the late 20th century, the barangay would play a key role in actualizing a participative and responsive government. So much so that in 1991, the newly enacted Local Government Code enshrined the barangay as a core political unit and introduced the term of punong barangay to describe those who are entrusted to lead these geopolitical areas.

            Former Speaker of the US House of Representatives Tip O’ Neil was perhaps the first to profoundly acknowledge that, “all politics is local.” An elected official’s success and indeed a government’s true impact depends greatly on the ability to understand the issues affecting the citizenry, and the political will to give remedy to all that trouble its people.

            Ito po marahil ang dahilan kung bakit ano pa man ang maging agos ng kasaysayan, mananatiling matatag ang barangay. Ang barangay ang unang dinudulugan ng mamamayan, ang unang maaring maghatid ng tulong sa mga nangangailangan. At kayo po, bilang mga pinuno, ang unang nakakabatid sa mga mithiin ng ating mga kababayan.

            Pambihira po ang kapangyarihang ipinagkaloob sa inyo. Ang mga pinuno ng barangay ay may kapangyarihang ehekutibo, panghukom at lehislatibo.

            As barangay officials, you have the primary responsibility of enforcing all laws and ordinances applicable within the barangay. The law grants you powers to carry out this duty effectively and the land has been made more peaceful because of it. The barangay is also vested with quasi-judicial powers. It has the authority to mediate and settle disputes amicably between members of the barangay. Our court systems have benefited greatly from this system arbitration and those who seek relief from government, have found recourse when it was most needed.

            The barangay council is able to enact ordinances that respond promptly and decisively to the needs of its constituents, including the generation of revenue for the benefit of the barangay. It is truly fully equipped local government unit, and others of larger scale are hard pressed to match its dynamism.

            Based on my experience as a local government official, I believe there are still opportunities to further improve the viability of the barangays as engines of economic development.

            We can cluster barangays to promote investment in their area. Under the Local Government Code, the barangays are already empowered to promote this kind of initiative and the USAID has proposed funding for such an initiative. I strongly suggest that this be taken up by your conference.

            You may also find viability in my proposal to set up local government banks, which could tap local resources and provide greater focus on local projects. Similarly, the LGUs may also wish to set up cooperative banks, where resources of LGUs, especially those who share geographical boundaries can pool their resources. Countries like Germany and Costa Rica are already doing this.

            Mga kaibigan, mga kapwa manggagawa sa gobyerno,

            Noong ako’y mayor pa lamang ng Makati, ang tawag ko sa mga punong barangay namin ay mga little mayor. Hindi po dahil sila’y kasintangkad ko, kundi dahil ang kanilang panunungkulan ay maihahambing sa binubuno ng isang alkalde.

            Ang barangay ang unang nilalapitan ng mga mamamayan kung may agaran silang pangangailangan. Kaya parati kong sinasabihan ang mga kapitan namin dati na kapag may mga reklamo, huwag na nilang paabutin pa sa munisipyo kung kaya naman itong resolbahin sa barangay pa lang.

            Tunay na malaki ang ambag ninyong mga opisyal sa barangay sa pag-usad ng ating bansa.

            Subalit sa mahabang panahon, tila ba hindi sapat ang pagkilala sa inyong mahalagang tungkulin.

            Noong ako ay mayor pa lamang, lagi kong pinapansin na ang ating mga opisyal ng barangay - na inaasahan natin na laging naririyan tuwing may sunog, baha, aksidente o away ng magkakapitbahay - ay ni hindi man lamang miyembro ng GSIS. Kung kayat kapag matapos ang mahabang taon ng serbisyo, ang ating mga opisyal ng barangay ay magreretiro na ni wala man lamang katiting na pensiyon mula sa pamahalaan.

            Ngayong ako ay inyo nang bise presidente, umasa kayo na aking kakausapin ang ating mahal na pangulong Aquino at ang GSIS nang sa gayon ay mabigyan na ng nararapat na benepisyo bilang kasapi ng GSIS ang lahat ng opisyal ng ating barangay.

            Gayunpaman, sa bahagi ng inyong lingkod bilang tagapangulo ng pag-ibig fund, gumawa na kami ng hakbang upang kilalanin ang inyong mahalagang kontribusyon sa inyong mga komunidad at sa ating bansa.

            Ngayong araw na ito, lalagda ang Liga ng mga Barangay at ng Pag-IBIG Fund sa isang kasunduan. Sa pamamagitan nito, mabibigyan ng pagkakataon ang ating mga punong barangay, sampu ng kanyang mga kagawad, na maging kasapi ng Pag-IBIG Fund.

            Bilang kasapi ng Pag-IBIG Fund, maaari na ninyong matamasa ang maraming benepisyo mula rito. Maaari na kayong makapag-ipon para sa inyong kinabukasan. Sa tulong din ng kasunduang ito, may pagkakataon pa na tapatan ng barangay ang inyong ihuhulog sa Pag-IBIG kaya’t agad na magiging doble ang ipon ninyo.

            Mayroon din kayong benepisyo na Multi-Purpose Loan oras na makapaghulog kayo ng 24 contributions. Ang loan na ito ay maaaring gamiting pang-enrol, pambayad sa ospital o para sa anumang pangagailangan.

            Maaari din, pero huwag naman sanang mangyari, na makautang ng Calamity Loan mula sa Pag-IBIG. Mabanggit ko lang po, pinagmamalaki po ng Pag-IBIG na higit na tatlong daan limampung libomg (350,000) miyembro na nasalanta ni Gener at ng Habagat ang natulungan sa pamamagitan ng Pag-IBIG Calamity Loan. Sa loob po lamang ng mahigit isang buwan, anim na bilyong piso (P6 billion) na po, ang naibahagi ng Pag-IBIG na Calamity Loan sa mga miyembro.

            Higit pa po riyan, kapag miyembro kayo ng Pag-IBIG, may pagkakataon kayong makapag-Housing Loan. May programa po tayo na tinatawag na socialized housing program. Maaari kayong makautang ng apat na raang libo (P400,000) sa napakababang interes na 4.5% kada taon.

            Ito po naman ay tugmang-tugma sapagkat dumarami po ang mga housing projects sa tulong ng local government unit mismo. Higit sa dalawang daan (200) na LGU projects na po ang ating nasimulan at inaaasahan nating dumami pa ito lalo na’t ang mga barangay officials natin ay maaari nang maging Pag-IBIG member.

            Ganito po ang nangyayari kapag tayo ay nagtutulungan at nagkakaisa. Lahat ay nakikinabang. Lahat aangat ang buhay.

            Sa inyong pagtitipon, ako po’y nananalig na ang bawat isa sa mahigit apatnapung libong (40,000) barangay sa Pilipinas ay magiging katuwang ng pambansang pamahalaan sa pagtaguyod ng isang bago at maaliwalas na bukas para sa mamamayang Pilipino.

            Maraming salamat po.

            Mabuhay kayong lahat.