Magandang umaga po sa inyong lahat!
Isang malaking karangalan po ng inyong lingkod ang maging bahagi ng napakahalagang okasyong ito, ang pagsisimula ng National Housing and Urban Development Summit.
Sa ating panahon, ang pangangailangan sa pabahay ay maituturing nang isang national issue. Dapat itong bigyan ng kalutasan hindi lamang ng gobyerno o ng pribadong sektor o ng mga NGOs, hindi lamang ng national government o ng LGUs, hindi lamang ng executive o ng legislative branch, kundi ng lahat ng sektor, industriya, o sangay at departamento na may kinalaman dito.
Dati-rati, ang problema sa pabahay, laluna ukol sa mga mahihirap nating kababayan, ay nakatuon lamang sa mga highly urbanized areas at mga lugar na maunlad. Mismo sa mga lugar na ito napakataas ng halaga ng lupa at napakaraming tao bunga ng rural-urban migration.
Pero, noong ako ay umupo bilang pinuno ng Housing and Urban Development Coordinating Council at mga Shelter Agencies, ako mismo ang nakakita na ang pangangailangan sa pabahay ay ramdam na ramdam rin maging sa mga probinsiya at lugar na may malalawak na mga lupain.
Nakita ko na ang rural-urban migration ay hindi lamang patungo sa National Capital kundi pati rin sa mga economic centers ng mga probinsiya at rehiyon. Ang pagiipon-ipon ng ating populasyon sa mga kalunsuran ay higit pang nagiging kumplikado dahil ang ating bansa ay isang archipelago.naroon ang ating mga population centers, laluna ng ating mahihirap na kababayan, sa mga lugar na tinatawag nating high risk zones dahil sa climate change.
Ang pagdami ng mga tinatawag nating informal settlements sa Filipinas ay isang bagay na nakasanayan na nating mga Filipino. Naging natural na sa ating kaisipan na ang pagdami ng mga informal settlements ay isang normal na pangyayari na tinanggap na natin. Sa katunayan, ang mahirap na kabuhayan sa informal settlements ay naging tema na ng maraming pelikula at palabas sa telebisyon.
Dahil dito sumikat ang mga palabas gaya ng “John and Marsha,” “Home Along Da Riles,” at mga katulad na pelikula, na ang bida ay nakatira sa maliit na barong-barong o mahirap na komunidad. kaya akala natin ay katatawanan lamang ang matira sa may riles o sa tabi ng estero. Samantalang ang katotohanan ay hindi po katatawanan ito kundi isang malalang problema na noon pa’y dapat inihanap na ng kalutasan.
Tunay na marami sa ating mga kababayan ay walang sariling bahay at kung may bahay man ay hindi matawag na maayos na tirahan. Sa talaan ng National Housing Authority noong 2011, mayroong isang milyon at kalahating pamilyang nabibilang sa mga informal settler families. Sa Metro Manila pa lamang, mahigit 580,000 ISFs ang nakatala.
Ating asahan na ang ganitong kondisyon ay magpapatuloy hangga’t may rural-urban migration at ang pag-unlad ay hindi sabay-sabay. Habang hindi umuunlad ang ibang probinsiya at bayan, habang ang karamihang maaayos na trabaho ay nasa mga lungsod at mga first at second class municipalities lamang matatagpuan, hindi titigal ang rural-urban migration, hindi titigil ang pagdami ng informal settlements.
At present, almost fifty percent of our population already live in urban areas. And this is expected to further increase in the next decade.
At alam natin kung ano ang ibig sabihin nito: pamumuhay na lubog sa kahirapan at pagharap sa araw-araw na panganib dulot ng kawalan ng kabuhayan, kahinaan ng serbisyong panglipunan at kakulangan ng proteksyon ng batas.
At sa dakong ito nagsisimula ang mahabang pagtatalo sa mga issue tungkol sa ISFs. May nagsasabi na “mali iyan,” “mali ito”; “dapat ganyan,”“dapat ganito.” Ito ay madalas nauuwi sa sisihan, …..”ang pamahalaan kasi…”, “‘yung batas kasi…”, “‘yung mga benepisyaryo kasi…”, “‘yung mga liders kasi…”, “‘yung lokal na pamahalaan kasi…”, “‘yung negosyante kasi…”, “‘yung ngo kasi…”, at kung anu-ano pa.
Kaya naman sadyang napapanahon ang inisyatiba ng liderato ng ating kamara sa kanilang pagsulong dito sa National Housing and Urban Development Summit. Ang kanilang pagpapahalaga sa ating mga kinakaharap na suliranin sa sektor ng pabahay ay di matatawaran. Ang kanilang pananaw na ang Housing Summit ay hindi isang ‘one-day activity’, kung hindi isang proseso na aabot ng maraming buwan na usapan at mangangailangan ng malalim na diskusyon, ay tanda ng kanilang karunungan at karanasan.
Kaya’t ako po’y lubos na nagpapasalamat kay Senator JV Ejercito at kay Congressman Albee Benitez sa kanilang pagkakaisa sa pagtataguyod ng National Housing and Urban Development Summit. Naniniwala ako na ang Summit na ito ay ang wastong plataporma para mabuo ang policy framework at mga pograma na manggagaling sa bukás at maayos na pag-uusap ng mga stakeholders at sa gabay ng mga experto sa industrya.
Umaasa po kami sa HUDCC na ang Summit na ito ay ang magiging susi upang ang pagtatalo ay maging Dayalogo at ang sisihan ay maging pagtutulungan sa paghahanap ng kalutasan ng mga suliranin.
We likewise commend the efforts of the Steering Committee for identifying four Thematic Areas, namely, land, financing, governance and urban development as critical factors in addressing the housing issue. This would not only ensure that no aspect of the housing problem is left untouched, but more importantly, the identification of these themes will facilitate productive discussions.
As I look at the range of participants and our stakeholders in this Summit, I see national officials, local officials, development workers, community leaders, and the private sector. All are willing to work together to address the housing need of our people, especially the poor.
Ang aking tanging hiling ay bitiwan sana natin, kahit pansamantala, ang ating mga titulo at posisyon sa ating mga organisasyon. Atin ding isantabi ang pagsulong ng pansariling interesng ating mga pangkat. Sa Summit na ito, unahin po natin ang interes ng ating mga kababayang nangangailangan ng ating suporta; isapuso natin ang pagpapaunlad ng buhay ng ating mga kababayang ISFs.
Subalit hindi po riyan nagtatapos ang hamon ng ating National Housing and Urban Development Summit. Nasa kalahati pa lang tayo. hindi po tayo matatapos sa usapin lamang ng informal settlements. Lubos pa rin ang pangangailangang tugunan ang 5.5 million units na housing need ng ating bansa. Kailangan pa ring ilatag natin ang mga patakaran sa lupa, pondo, pamamahala at urban development upang tiyak na mabigyan ng de-kalidad, abot-kaya at ligtas na tahanan ang ating mga kababayan.
Sa puntong ito, nais kong ipaalam sa inyong lahat na ang atin pong liderato sa hudcc ay hindi nagkulang sa pagsasaliksik at pag-aaral ng mga polisiyang kailangan upang matugunan ang problema sa informal settlements at ng housing need. Maliban sa pagpapatakbo ng ating mga key shelter agencies, minabuti natin na ang ating mga karanasan ay ating pag aralan, at mula roon ay mag-rekomenda ng mga pagbabago. Kaya noong nakaraang taon, binuo ng HUDCC, sa tulong ng World Bank at ng Cities Alliance, ang ating National Informal Settlements Upgrading Strategy o NISUS.
The NISUS contains strategic recommendations on guiding future land development with the following crucial elements: city-wide development; climate change adaptation (CCA) and disaster risk reduction management (DRRM); selective resettlement with compensation within a sustainable new town framework; informal settlements upgrading with secure tenure; targeted subsidies based on income; urban renewal; and improving sector governance, among others.
Thus, we offer the nisus not only as a resource material, but rather, as a jump-off point for some of the topics that will be discussed in the four thematic areas. In particular, we offer the following as good starting points for discussions: the strategic recommendations of the nisus on improving access to land and unlocking bottlenecks to the full utilization of alternative land tenure arrangements; designing subsidy schemes to make housing affordable to the poor; maximizing government budgetary allocations for housing to generate more housing units; and improving sector governance (national and local levels), among others. The NISUS challenges our traditional lenses focused on informal settlers and informal settlements by seeing the potentials of informal settlements and not just their problems, and treating informal settlers as contributors instead of just beneficiaries.
These shifts, not just in policy, but more so in mindset, can only be achieved through a participatory and multi-sectoral approach especially put together to come up with a broadly supported national housing strategy and policy paper.
Tuladng aking nasabi at naulit na, ang araw na ito ay simula po lamang ng ating sama-samang pagdadayalogo at pagbalangkas ng ating mga susunod na hakbang. Sa mga susunod na buwan ay tiyak na masusubok ang ating tiyaga at determinasyon. Hinihimok ko ang bawat isa, na huwag mawalan ng pag-asa. na sa tuwing hihirap ang diskusyon. Alalahanin ang araw na ito nang tayong lahat ay sama-samang nangako na tutulong at mag-aambag sa pagbuo ng ating mga housing framework at strategies na tutugon sa mga problemang palaki nang palaki at pauli-ulit na nating hinaharap.
To conclude, nais ko pong banggitin ang isang maigsing Zen proverb na sinasabi: “The obstacle is the path”. Naniniwala ako na akma ang salawikaing ito sa ating pagharap sa samu’t saring isyung hinaharap ng housing sector.
According to author Leo Babauta, “Often people are discouraged because of some challenge or obstacle in our way. But a shift in mindset can change everything. The obstacle is not something standing in our way. It is the way itself.”
Thus, instead of constantly criticizing each other, government officials and CSOs can look at points of cooperation and instead become project partners.
Instead of viewing urbanization and population growth as challenges, let us look at them as opportunities.
In the same way, with regard to informal settler families, instead of seeing them as the problem, we should look at them as the very same people who can solve the nagging problem of informality with help from us in government, the private sector and civil society.
And finally, regarding informal settlements. we can either just continue tearing them down and relocating the residents elsewhere, or we can transform them into formal urban residents in resilient, vibrant and connected communities.
I am sure, with the enthusiasm I see today, we will be able to produce a well-thought-out policy paper. But more importantly, I look forward to producing new mindsets and new approaches to making land available and accessible, more suited financing schemes, more responsive governance methods and advanced and participatory urban development strategies.
Finally, I formally pledge the commitment and unwavering support of the HUDCC and its key shelter agencies to the National Housing and Urban Development Summit.
Maraming salamat po at mabuhay po tayong lahat.