Makati Fellowship Dinner, World Trade Center, Lungsod ng Pasay, ika-25 ng Mayo 2012 (Posted: May 26, 2012)

            Tunay na napakaganda nga ng gabing ito dahil habang ginugunita natin ang pagkakatatag ng Makati 342 taon na ang nakalilipas, pinagtitibay naman ng ating mahal na lungsod ang pakikipagkapatid nito sa mahigit tatlong daang bayan sa iba’t ibang dako ng Pilipinas.

            Sinimulan po natin ang sisterhood agreements sa mga bayan at lungsod noong ako ay bagong hirang na punong-lungsod ng Makati sa dalawang dahilan: ang ibahagi ng lungsod ng Makati sa mga lokal na pamahalaan ang mga ika nga’y best practices ng pamamalakad sa antas ng lokal at mabigyan ng pagkakataon ang bawat isa sa atin na magtulong-tulong lalo na sa panahon ng pangangailangan. At ng lumaon po ito’y naging isang paraan upang mabigyan ng mas mabuting serbisyo ang ating mga mamamayan.

            Nagsimula po ang ating pakikipagkapatiran sa tatlong bayan: sa Cabagan, Isabela, ang bayang tinubuan ng aking ina; sa Bauan, Batangas, ang bayan naman ng aking ama; at sa Can-avid sa Eastern Samar. Sa ngayon ay mayroon na tayong sisterhood relations sa tatlong daan tatlumpu’t apat (334) na bayan. Maliban dito, mayroon pang dalawang daan tatlumpu’t limang (235) bayan na nakatakdang makipaglagda sa Makati ng Memorandum of Agreement (MOA) upang maging pormal ang ating kapatiran sa kanila.

            Naniniwala po ako na ang edukasyon, kalusugan at mga serbisyong pangkawang-gawa ay kasama sa mga pangunahing dapat pinagtutuunan ng pansin ng mga lokal na pamahalaan. Ang mga ito rin po ang priyoridad ng pamunuan ng Makati at maging ng aking tanggapan ngayon. Lahat po ng mga ito ay nakaugat sa paniniwalang ang pinakamahalagang bahagi ng isang komunidad ay ang mga taong bumubuo nito.

            Ang kapakanan ng ating mga kababayan ang siyang laging dapat na isinasaalang-alang sa bawat desisyon natin. Kaya naman ang kaisipang “paglingkuran ang bayan” ang siyang naging gabay at batayan ng lahat ng mga programang aking ipinatupad sa Makati, na katulad din ng ipinapatupad ngayon ni Mayor Junjun, na lagi kong sinasabi na di hamak na mas magaling sa kanyang ama.

            Malayo na ang narating ng Makati mula sa isang bankrupt na munisipalidad noong kasagsagan ng EDSA Revolution.

            Makati has been recognized as the financial center since the 1970s. But at the time of the EDSA revolution, the municipal government had total debts and obligations of P200 million, as against an income of P190 million. In short, the Makati government was bankrupt.

            Public facilities and services could be likened to those of a third-class municipality, and not of the premier municipality. Some schools were run-down, had no functioning toilets, no light bulbs. Schools were crowded, and the public health program had been abused by municipal officials. Those who urgently needed medical care were not receiving the services; instead the clients of the program were mostly political supporters or relatives of municipal officials.

            Hindi po ito ang asal at kalakaran ng isang premier city at financial center ng bansa. It was apparent that change was necessary.

            We adopted fiscal discipline. And after just one year, the Makati government had chalked up a surplus—a surplus that we used to provide better services for the people.

            For me, and as should be the logical practice, the local government should utilize its revenues for the welfare of its constituents and clients.

            We have always believed that it is the people that make the economy work thus, we treated them accordingly. And this we applied to everyone, from the private sector down to the smallest government unit, the barangay, as we considered them actors and stakeholders in determining the city’s future and development directions.

            We upgraded the educational system to improve the capacity of students and graduates to join the workforce needed by the business community. We improved health programs to emphasize preventive health care and promote healthy lifestyles. More importantly, we provided affordable housing in the less developed and low-income areas.

            Considering the success of our programs in Makati, I am confident that we can scale up our practices to the national level.

            One of the challenges I had to face when I assumed office was to remove the prevailing thought that the Vice President is merely a spare tire in the national organization. That is why I am thankful to President Benigno Aquino III for the opportunity to serve the people as chairman of the Housing and Urban Development Coordinating Council, among other responsibilities.

            Simula noong ako’y naging punong bayan ng Makati at hanggang ngayon na ako’y pinalad na maglingkod bilang inyong Pangalawang Pangulo, iisa ang aking naging hangarin: ang manaig ang tinatawag nating social justice sa ating bansa, sa ikabubuti ng ating mga kababayan, lalo na yaong mga walang sarili o permanenteng tirahan.

            As the principal national officer for housing and urban development, I vow to continue to espouse the principles of good governance that brought Makati city to where it is now. There is much work to be done in the coming years but we have already taken the important first steps in reforming the housing sector

            Mga kaibigan, kailangan natin laging isaalang-alang ang mga paghihirap na kinakaharap ng ating mga kababayan, sapagkat sila ang dahilan kung bakit tayo nailuklok sa mga pwestong ating kinalalagyan ngayon.

            Sila ang nagbigay sa atin ng mandato upang gawing mas maaliwalas ang kanilang kinabukasan. Tayo ay mga lingkod-bayan. Kaya naman marapat lamang na tayo ay magdulot sa kanila ng mga serbisyong dapat nilang makuha bilang mga mamamayan ng Pilipinas, at hindi maging dahilan ng kanilang kahirapan.

            Kaya ipinapanalangin ko na maging mas matatag pa ang ating mga kapatiran—ang mahigpit at di-karaniwang pagtutulungan ng Makati at ng kanyang mga sister LGUs. Inaasahan namin na ang okasyong ito ay magsilbing daan upang lalo pang mapagtibay ang ating mabuting samahan tungo sa ikauunlad ng ating mga komunidad.

            Sa ating natatangi at patuloy na samahan at pagtutulungan, tiyak na gaganda ang buhay.

            Maraming salamat po at nawa’y patuloy din tayong biyayaan ng ating Poong Maykapal.

            Mabuhay tayong lahat.