Awarding Ceremony for Region 6 LGUs that completed the CLUP Training, Sarabia Manor Hotel & Convention Center, San Felix, Iloilo City, 15 April 2013, 8a.m.

            Maayongaga sa tanan. [Magandang umaga sa inyong lahat.]

            Ang mga ganitong pagtitipon-tipon—na kinabibilangan ng mga nagtutulong-tulong na Local Government Units (LGUs), mga ahensyang pabahay ng gobyerno, mga katuwang natin sa pribadong sektor at mga benepisyaryo mismo ng proyektong pabahay—ay isang magandang okasyon. At aaminin ko, gusto kong maisagawa rin ang ganitong pagkakaisa sa bawat lokal na pamahalaan sa buong bansa.

            Ang mga ganitong pagkakataon po ang nagpapalakas ng loob namin sa sektor ng pabahay dahil dito namin nakikita ang matamis na bunga ng ating pagtutulungan at pagsisikap.

            Ayon sa report ng NEDA na lumabas noong isang taon, ang Western Visayas ay isa sa mga rehiyon na nagtala ng may pinakamataas na Gross Regional Domestic Product (GRDP) sa buong bansa. Mula sa pang-labing isa noong 2010, umakyat ang Western Visayas sa pang-apat noong 2011 sa talaan ng mga rehiyon na may mahusay na ekonomiya.

            CLUPZero Backlog Program

            At hindi po ito nakapagtataka dahil ang simula sa pag-unlad ng isang siyudad o munisipalidad ay ang pagkakaroon ng maayos na plano, lalo na sa paggamit ng lupain. At dito sa Region 6, sa isangdaan at tatlumpu’t tatlong (133) LGUs, isa na lang po ang wala pang ComprehensiveLand Use Plan (CLUP). Ang magandang balita, ang draft CLUP ng munisipyong ito ay na-review na ng Provincial Land Use Committee (PLUC).

            Samadaling salita po, siyamnapu’t siyam (99) na porsyento ng LGUs sa Western Visayas ang may CLUP at yung iba ay kailangan lang i-update.

            Sakatunayan, animnapu’t pitong (67) LGUs sa mga probinsya ng Aklan, Antique,Capiz, Iloilo at Guimaras ang binigyan ng plake o certificate dahil sa kanilang pakiki-isa sa programa ng Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) na CLUPZero Backlog Program na naglalayong bumuo o i-update ang mga CLUP ng lahat ng LGUs ngayong taong ito.

            Hindina po namin isinama sa bilang ang Negros Occidental dahil nagkaroon na rin po kami ng awarding sa kanila noong nakaraang buwan.

            Sa mga hindi pa nakaaalam, siguro itinatanong ninyo kung ano at para saan ba itong CLUP.

            Maliban sa ito ay itinakda sa batas ayon sa Local Government Code, napakahalaga po ng CLUP sa pag-unlad ng mga lokalidad na ating nasasakupan.

            The CLUP spells out the different land uses of your city or municipality and it is only then that you will be able to provide the infrastructure, amenities and services to support their development.

            Sa CLUP inuuri ang mga lupaing nasasakupan natin at dito nalalaman ang wastong paggamit ng mga ito. Dito pinagbukod-bukod kung alin halimbawa, ang kaaya-aya sa pang-agrikulturang gamit, ang dapat pang-komersyo, pang-industriya, at ang mga lugar na ligtas sa sakunang pangkalikasan tulad ng baha at lindol, at tamang pagtayu-an ng mga proyektong pabahay.

            Sa pamamagitan din ng CLUP, mapapangalagaan natin ang ating kalikasan, laluna ang mga kabundukan at waterways.

            The CLUP is also a necessary tool that determines the LGU’s capability and readiness to receive and accommodate investors in their localities. Kung sakaling may pumuntang investor sa inyo na gustong magtayo ng isang negosyo, madali ninyong maituturo kung saan nararapat ilagay ito ayon sa inyong plano at bisyon para sa inyong lokalidad. A well planned CLUP helps to make vibrant the activity of a local economy.

            Alam ko pong hindi basta-basta ang pinagdaanan ng inyong mga planning officers upang mabuo ang inyong CLUP. Sa katunayan, ang ibang training workshop ay inaabot ng gabi.

            Kaya sa mga planning officers at iba pang kasamahan ninyo, saludo kami sa inyo sa dedikasyon at determinasyon na inyong ipinamalas sa pagbuo o pag-update ng inyong mga CLUP. At sa mga local executives na buo ang suportang ibinigay upang magawa ang inyong CLUP, maraming salamat.

            Nararapat din na bigyan natin ng malakas na palakpak ang mga gold awardees. Sila ang mga LGUs na hindi lang nakagawa ng updated CLUP kundi nakakuha na rin ng approval ng kanilang mga Sangguniang Panlalawigan. Kabilang dito ang munisipalidad ng Sibalom sa Antique; ang Sibunagsa Guimaras; at ang Pototan sa Iloilo. Bago matapos ang buwang ito, maaaring matanggap na rin ng siyudad ng Iloilo ang gold award dahil nakasalang na ang kanilang CLUP for approval ng HLURB.

            Saibang LGUs, ituloy lang po ninyo ang inyong magandang nasimulan at dimaglalaon, makakamit n’yo na rin po ang gold category.

            Presidential Proclamation 580

            Tulad ng aking nasabi kanina, ang okasyong ito ay nagaganap dahil sa pagtutulungan ng iba’t ibang sektor na may isang layunin—ang mabigyan ng kasiguruhan sa lupa at bahay ang ating mga kababayan.

            Kanina, inyong nasaksihan ang pamamahagi natin ng lupa sa mga benepisyaryo ng Presidential Proclamation 580 na ipinalabas noong 2004. Sa ilalim ng programang ito, ang mga lupain ng pamahalaan na hindi nagagamit ng sampung taon para sa orihinal na intensiyon ay maaaring ideklara ng ating pangulo na laan sa socialized housing ng mga pamilyang matagal nang nakatira dito.

            Ang Proklamasyon 580, na sumasakop sa halos anim na ektaryang lupain sa barangay Concepcion at General Hughes dito mismo sa Iloilo City, ay napabilang sa programang ito sa tulong ng Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC. At sa tulong naman ng National Housing Authority, naipa-survey ang lupaing ito na nakapaglikha ng anim na raan at dalawampu’t apat (624) na lote.

            Kanina, ibinahagi na natin ang mga Certificates of Lot Award (CELA) sa isang daan atlimampung (150) benepisyaryo na nauna nang na-pre-qualify ng Local Inter-Agency Committee (LIAC) na pinangungunahan ng HUDCC at ng LGU ng Iloilo City. Nasa proseso na rin ang iba pang mga dokumento at malapit na ring matanggap ng ibang pamilya ang kanilang mga CELA.

            Ajuy Ville Subdivision (resettlement project)

            Isa pang proyekto na nagpapakita ng pagtutulungan ng LGU at ng sektor ng pabahay ay ang Ajuy Ville Subdivision na nakalaan para sa mga informal settler families, kabilang iyong mga nakatira sa danger areas.

            Ang halos limang ektaryang lupa para sa proyektong ito ay binili ng local government ng Ajuy, samantalang ang National Housing Authority ay magbibigay ng pondong nagkakahalaga ng labin-dalawang milyong piso (P12 million) na gagamitin sa land development.

            Included in this development is the construction of the drainage system, concrete paving, and the provision of individual electric and water connections.

            The notice to proceed has been issued to the developer of this project and after five months, you shall see the complete development of this site. The local government shall be responsible for the construction of the housing units.

            Housing project for provincial employees of Antique

            Nasabi rin natin kanina na maliban sa national at local governments, ang mismong mga benepisyaryo ay ka-partner din natin sa mga programang pabahay.

            Ang Koop Village sa Brgy. San Fernando, San Jose, Antique para sa mga provincial at iba pang empleyado ng lalawigan ang halimbawa ng proyektong isinulong mismo ng mga benepisyaryo sa ilalim ng Group Land Acquisition and Development Program (GLAD) ng Pag-Ibig Fund.

            Nabuoang pabahay na ito sa pangunguna ng Antique Provincial Government Employees Multi-Purpose Cooperative (APGEMPC), na kinabibilangan ng mga empleyado ng kapitolyo ng Antique, mga guro, pulis, health workers at iba pang government employees sa Antique. At kanina nga, nakita ninyo ang pag turn-over natin ng tseke bilang kabayaran sa may-ari ng lupa na pagtatayuan ng Koop Village.

            Ibig pong sabihin, ang pag-ibig muna ang nagbayad sa pagbili ng lupa, kasama na ang land development, na nagkakahalaga ng halos labing anim na milyong piso (P16million). Ang pitumpu’t apat na benepisyaryo ng pabahay na ito ay sa kooperatiba na magbabayad ng kanilang buwanang hulog at yung makokolekta ng kooperatiba ay ibabayad naman nila sa Pag-Ibig.

            Sa ganitong pagpapagtupad ng programa, napakahalaga po na ginagampanan ng bawat isa ang kanilang obligasyon sa pabahay dahil ang pagkukulang ng isa ay maaaring makaapekto sa lahat. Inaasahan namin na ang provincial government ng Antique ay tutulong din upang maganap nang tuluyan ang housing project na ito.

            Securitization project

            Nasaksihan din po ninyo ang pagpirma sa Memorandum of Agreement ng National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) at ng 8990 Housing Development Corporation. Ito ay kaugnay sa tinatawag na securitization project na nagkakahalaga ng apat na bilyong piso (P4 billion) na isasagawa ng korporasyong ito sa tulong ng NHMFC.

            Ang securitization po ay isang uri ng panghihiram ng pamahalaan sa mga private investors at ordinaryong mamamayan sa pamamagitan ng pagbenta ng mga sertipikoo securities na garantisado ng mga mortgage ng pabahay.

            Samadaling salita, ang securitization ay nakapaglilikha ng karagdagang pondo na magagamit ng developers sa pagpapatayo ng mga bagong housing units—na siyang bibilhin naman ng ating mga kababayan. Pagkakataon din ito ng mga ordinaryong mamamayan na makapag-invest—sa pamamagitan ng security papers—at kumita ng masmalaki kaysa sa bangko.

            We have chosen Iloilo for the MOA signing of this project since one of the housing projects to be securitized, worth five hundred fifty five million pesos (P555million), is here in Iloilo.

            Alam po ninyo, sa aking karanasan bilang Mayor ng Makati, bilang Bise Presidente at pinuno ng pamahalaang sektor ng pabahay, iisa lang po ang pagkakaiba ng mgaposisyong ito—pangalan lang talaga.

            Ang mga paraan sa pagpapatupad ng mga programang ikagiginhawa ng ating mga kababayan ay halos magkakatulad. Ang kailangan lang ay political will—ang walang-hupa, walang-kapagurang pagpapatupad, pamamatnubay, at pamumuno sa lahat ng gawain hanggang sa matapos at mabigyang kaganapan ang mga ito.

            Ngunit kasing-laki ng kinalaman ng political will o determinasyon sa tagumpay ng anumang programa ay ang pagkakaisa ng lahat ng mga tao, grupo, o institusyong kasama rito.

            This occasion is proof of the good things that happen if we have the political will and if we all work together for the benefit of our people, especially the poor.

            We promise you, the local governments, that we will always be behind you for that purpose. We share the same dream and vision—which is to provide a decent and affordable home for every Filipino family. With your help, I am confident we can realize our common dreams in the near future.

            Madamugid nga salamat. (Maraming salamat)