13th Home Guaranty Corporation Charter Day Celebration, 5 April 2013, 10:30 a.m.

            Isang magandangumaga sa inyong lahat.

            Ikinararangal kong makasama kayo sa inyong pagdiriwang ng ika-13 Charter Anniversary ng Home Guaranty Corporation. Sabi ni Atty.Sanchez, hindi siya naniniwalang malas ang “number 13.” At sumasang-ayon ako sa kanya. Bilang chairman ng HUDCC at vice-chairman ng HGC Board of Directors, batid ko kung gaano kahalaga sa ating lahat ang taong ito, hindi lamang dahil sa ating mga nagawa kung hindi dahil na rin sa mga mangyayari pa ngayong 2013.

            Simula nang manungkulan tayo rito sa HGC noong 2010, una nating sinikap ayusin ang ating mga sistema at patakaran para matiyak na ang ating “sovereign guaranty” ay hindi na muling maabuso. Naging masigasig tayo sa paghabol sa mga illegal na nakinabang at nagpahamak sa atin. Nagsimula tayong dalhin ang ating serbisyo sa mga kababayan natin sa probinsya sa pamamagitan ng mga rural banks at pagdisenyo ng iba pang produkto, tulad ng “Guaranty for Microfinance Housing Loans” para sa mga low-income families.

            Marami pa tayong nagawa at nasimulan. Ngunit hindi lahat ng ating pagpupunyagi ay agarang magbubunga. At hindi lahat ng bunga ayagad na mahihinog.

            Ganumpaman, ngayong araw na ito, matitikman natin ang isang napakatamis na bunga ng ating mga pagsisikap. Buong karangalan at pagmamalaking binabati ko kayong lahat sa pagkakamit ng ISO 9001:2008 certification. Ito ay isang pagpapatunay sa ating hangaring lalong mapaayos ang ating mga proseso at serbisyo. Nais ko ring bigyang pansin na hindi lamang isa kundi tatlong proseso ang nabigyan ng ISO certification. At hindi lamang basta proseso, kundi mga “core processes” o yaong mga may direktang kinalaman sa mandato ng HGC.

            Muli, binabatiat ikinararangal ko kayong lahat.

            Nais ko ring ipaalala sa inyo na ang pagkakaroon ng ISO certification ay hindi nangangahulugang nakamit na natin ang nais nating makamit. Ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng ISO certification ay kaya nating gawin ang dapat gawin. Kaya panating harapin ang mga darating pang hamon. At kaya pa nating higitan ito. Hindi ito huling graduation o pagtatapos, bagkus, umpisa pa lamang.

            Sa ating pagdiriwang ngayong araw na ito, nais kong muli nating pagnilayan ang ating misyon sa sektor ng pabahay. Ang ating bawat gawain, ang ating bawat tagumpay, ay tungo sa pagkakaroon ng sariling bahay ng ating mga kababayan.

            Bago ako magwakas, nais ko ring batiin ang natatanging pitong (7) kawani ng HGC na pinarangalan ngayon para sa kanilang 25 taong tapat na paglilingkod. Maraming salamat sa inyo.

            Bilang pangwakas, muli kong uulitin ang aking pangarap at paniniwala na “gaganda angbuhay sa sariling bahay.” Bilang kasaping sektor ng pabahay, malaki ang inyong tungkulin para magkatotoo ang pangarap na ito.

            Magandangaraw sa inyong lahat.