Awarding to Local Government Units in Region 9 that completed the CLUP Training, Zamboanga City, 23 April 2013, 2:30 p.m.

            Buenas dias. Iba talaga pag nandito ka sa Zamboanga. Pakiramdam mo’y nasa España ka’t Español ang salita. It is Chabacano, of course, and it is no less a source of Filipino pride as our own Filipinization of Spanish.

            Ngunit isa pa pong source of pride—maipagmamalaki—ay ang taos-pusong partisipasyon at kooperasyon ng mga LGU, magmula pa sa simula, sa mga programang pabahay ng gobyerno.

            Nang ilunsad namin noong 2011 ang Pabahay Caravan, noon lang, sabi ng mga taga-HUDCC, sa ilalim ng aking pamamahala na talagang bumaba ang pamunuan ng HUDCC at ng iba pang key shelter agencies sa mga bayan at probinsiya para ipaalam ang aming mga programa.

            Sa Pabahay Caravan hinikayat namin ang mga LGU na sumali at pakinabangan ang aming iba’t-ibang programang pabahay. Kasama rito ang Community Mortgage Program (CMP) ng Social Housing Finance Corporation (SHFC) at ang Resettlement Assistance Program ng National Housing Authority (NHA).

            Noong nakaraang taon naman, inilunsad ng Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) ang CLUP Zero Backlog Program. At ang bunga ng mga binanggit kong programa ang siyang dahilan ng ating pagtitipon-tipon ngayon.

            CLUP Zero Backlog Program

            Sa CLUP Zero Backlog Program, kasama po natin ngayon ang apat na pu’t pitong (47) lokal na pamahalaan ng Zamboanga Peninsula na nakatanggap ng bronze category award at certificate of completion ng Comprehensive Land Use Plan o CLUP. Muli, congratulations sa inyong lahat.

            Kung bronze category kayo ngayon, gold naman ang inyong i-target. Ang gold award ibig sabhin ay na-approve na ng HLURB o ng Sangguniang Panlalawigan ang inyong CLUP. Medyo mahabang proseso siyempre, pero buo po ang aking paniniwala na makakamit ninyo ito.

            At umaasa ako na sa susunod na pagbisita ko dito sa Zamboanga, lahat na ng LGUs ng Region 9 ay mayroon ng updated o nabuong CLUP.

            But what exactly is the Comprehensive Land Use Plan and why is the housing sector pushing you to do it? Simple: it is the basic tool for attaining the reason you are in government at all. It is the basic tool for development and progress.

            CLUP enables our LGUs to take the long view, envisage the future, and visualize and prepare for long-term development. It starts with the identification of the appropriate uses of land. This becomes your guide in providing the needed resources to develop these areas, and to make them suitable for business and commercial, agricultural and residential purposes. CLUP also identifies which areas to avoid—especially those prone to natural events such as flooding, landslides, and the destructive effects of climate change.

            Community Mortgage Program

            Isa rin po sa ipinagmamalaki naming programang pabahay na matagumpay naming naipatupad dito sa Zamboanga ay ang Community Mortgage Program.

            Sa programang ito tinutulungan ang mga informal settlers na mabili ang lupa na kinatitirikan ng kanilang mga bahay, na pag-aari ng ibang tao o institusyon, sa pamamagitan ng konseptong community ownership.

            Simula pa noong 1992, halos pitong libong (7,000) pamilya na dito sa Zamboanga City ang nakinabang sa programang ito. At halos dalawang daang milyong piso (P200 million) ang kabuuang halaga ng mga proyektong ito.

            Kanina, nasaksihan ninyo ang pamamahagi natin ng mga titulo sa lupa sa apat napu’t tatlong (43) benepisyaryo ng walong (8) CMP projects dito sa Zamboanga City. Ang ilan po sa kanila ay noong 1996 pa nagsimulang magbayad at sa pagsasakripisyo, nakatapos na sila ng kanilang obligasyon. Ngayon, matatawag na nilang sariling bahay at lupa ang kanilang tinitirhan. Palakpakan naman natin sila.

            Sa labing walong (18) miyembro naman ng La Virgen Fatima Homeowners’ Association,Inc., na nakatanggap ng Certificates of lot Allocation (CELA) at sa iba pang CMP beneficiaries dito, maging inspirasyon sana ito sa inyo. Huwag sana kayong magpabaya sa inyong pagbabayad sa amortisasyon dahil ang magiging katumbas nito balang araw ay ang titulo sa bahay at lupa na naka-pangalan na sa inyo.

            Dahil marami po tayong kasamang LGU ngayon, nais kong gamitin ang pagkakataong ito na hikayatin ang mga LGUs ng Zamboanga na makilahok sa aming localized CMP. Sa programang ito, tinutulungan ng Social Housing Finance Corporation na madagdagan ang pondo ng LGUs para sa pagpapatupad ng kanilang proyektong pabahay.

            Maaaring umabot sa pitumpu’t limang (75%) porsyento ng kabuuang halaga ng isang proyekto ang maipapa-utang ng SHFC sa LGU. At kung sakali namang ang lokal na pamahalaan ang may-ari ng lupang kinatitirikan ng bahay ng mga informal settlers, at gusto ninyong ipagbili ito sa mga nag-ookupa nito, maaari din pong gamitin ang pondong ito na pambayad sa lokal na pamahalaan.

            Resettlement Assistance Program

            Maliban sa CMP, may isa pa po kaming programa na katuwang namin ang mga lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng pabahay. Ito ay ang Resettlement Assistance Program for LGUs na ipinatutupad ng National Housing Authority. Sa programang ito, ang lupa ay pagmamay-ari ng local government samantalang ang land development ay pinopondohan ng NHA. Kadalasan, kanya-kanyang gawa na lang ng bahay, pero puwede rin namang manghiram ang LGU ng dagdag na pondo sa NHA para sa pagpapatayo ng mga bahay. O kaya ay makipag-ugnay sa mga non-government organizations na tumutulong sa pagtatayo ng bahay.

            Nasaksihan natin kanina ang pagbibigay ng mga titulo sa lupa sa mga benepisyaryo ng dalawang resettlement projects na matagal ng ipinatupad dito sa Zamboanga City.

            Ngayon, sisimulan naman natin ang isa pang housing project para sa informal settler families ng Zamboanga City—ang West Townsite Phase 1. Sa proyektong ito magkakaroon ng lote ang apat na raan at labing anim (416) na informal settler families. Ang mas magandang balita, umaabot lang ng apat na raan at limampung piso (450 pesos) ang buwanang hulog sa bawat lote sa proyektong ito.

            Sa kabuuan, may labing anim na resettlement sites ang NHA sa buong Region 9. At ang tagumpay ng housing projects natin dito ay ang aktibong partisipasyon ng lokal na pamahalaan.

            Closing

            Bago po ako magtapos, ibig ko lang ipaalam sa inyo na marami po kaming natatanggap na sulat galing sa mga taong hindi ko malaman kung walang determinasyon o talagang maliit ang tingin sa kanilang sarili.

            Sinasabi nila sa sulat na dapat daw ay libreng pabahay ang programa ng gobyerno dahil mangingisda, magsasaka, tindera o drayber lang sila at wala silang kakayahang magbayad.

            Isa lang po ang masasabi ko: maling-mali sila at kayo na nakatanggap ng mga titulo ngayon ang patunay na baluktot ang argumento nila. Sa nakita ko pong profile ng mga benepisyaryo ng mga proyektong pabahay dito, wala pong pagkakaiba ang trabaho nila sa inyo.

            Ang pagkakaiba lang po, may determinasyon at ambisyon kayo at sila ay wala.

            Naiintindihan namin ang kalagayan ng iba nating mga kababayan dahil talaga namang mahirap kumita ng pera. Kaya nga po nagsusumikap kami sa sektor ng pabahay na makagawa ng mga estratehiya na magbubunga ng mga proyektong pabahay na abot-kaya. Kasamana rito ang partnership sa LGUs at iba pang organisasyon.

            Ang nakokolekta naman ng gobyerno sa mga proyektong pabahay ay siya pong ginagamit namin sa pagpapagawa ng iba pang proyektong pabahay. Sa madaling salita po, sa pag-ikot ng pondo, mas maraming kababayan ang ating natutulungan na magkaroon ng abot-kaya at disenteng tahanan.

            Muli, nais kong magpasalamat sa suporta at kooperasyon ninyong lahat. Our housing projects are successful not because of us, but because of the cooperation of all stakeholders—the LGUs, our private partners, the shelter agencies, and the beneficiaries. With this kind of collaboration and teamwork, there is no doubt that all our future efforts will work to ensure that every Filipino family has a roof over their heads.

            Muchas gracias.

            Muchas gracias