Madyaw nga henaat kaneyu nga hurot (Good morning to all of you). Maganda po ang timing ng pagpunta namin dito sa CARAGA Region dahil sa mga okasyong kasabay ng aming housing event.
Una,napag-alaman namin na ngayong araw ang simula ng Balangay Festival Celebration na isang mahalagang okasyon hindi lamang para sa mga taga-Butuan kundi sa buong bansa na rin, dahil ang pangalan ng pinaka-maliit na sangay ng ating gobyerno –ang barangay – ay hinango sa pangalang balangay.
Pangalawa, sa araw ding ito ipinagdiriwang natin ang Labor Day – ang araw na inilaan para kilalanin ang pagsisikap ng mga manggagawa.
Tuwing sasapit ang Labor Day, ang kadalasang hinihiling ng mga manggagawa ay ang karagdagang sahod. Naiintindihan po namin ito dahil talaga namang tumataas ang halaga ng ating gastusin sa pagkain,transportasyon, pag-aaral at iba pa. Sinisikap po ng ating pamahalaan na tugunan ang inyong mga pangangailangan, kung hindi man sa dagdag na sahod ay sa iba pang benepisyo.
Nangunguna rito ay ang pagbibigay ng oportunidad na magkaroon ng trabaho ang ating mga kababayan. Ang sektor ng pabahay ay isa sa mga industriyang malaki ang naitutulong sa ekonomiya sa pamamagitan ng paglikha ng trabaho.
Alam niyo ba na ang pagtatayo ng isang maliit na bahay o yung tinatawag naming row house ay nakalilikha ng walong trabaho? Bukod pa rito, sa bawat isang daang trabaho na nagagawa sa pagtatayo ng bahay, labing-walong dagdag na trabaho pa ang nalilikha sa iba’t ibang industriya tulad ng pagawaan ng pako, yero, hollow blocks, semento at iba pa.
Kaya po sa pagdiriwang ng Labor Day, ipinagmamalaki po namin ang kontribusyon ng sektor ng pabahay sa pagbibigay ng trabaho sa ating mga manggagawa.
Maliban dito, ang murang pabahay ay isa sa mga benepisyong naibibigay sa ating mga manggagawa sa pamamagitan ng Pag-Ibig Fund, isa sa mga shelter agencies na aking pinamumunuan. Sa pamamagitan ng inyong isandaang pisong (P100) buwanang kontribusyon sa Pag-Ibig Fund, na tinatapatan din ng parehong halaga ng inyong mga employer, maaari na kayong makahiram ng apat na raang libo (P400,000) hanggang limandaang libong piso (P500,000) para sa pabahay. Puwede ninyo itong bayaran sa loob ng tatlumpung taon.
At para sa mga minimum wage earners, ibinaba namin ang interes sa 4.5 percent mulasa dating 6 percent. Kaya ang housingloan na P400,000 ay may monthly amortization na humigit dalawang libong piso (P2,000)lamang. Langihan Urban Neighborhood Settlers Association under the Community Mortgage Program (CMP)
Pero ang ating programa ay hindi lang po para sa mga manggagawa na may mga buwanang sweldo.
Kaninapo ay nasaksihan ninyo ang pagbibigay natin ng titulo sa lupa sa dalawampu’t pitong (27) miyembro ng tatlong homeowners associations dito sa Butuan – ang Our Lady of Fatima HOA, Poyohon Neighborhood HOA at Langihan Urban Neighborhood Settlers Association. Ang tatlong HOA po na ito ay mga benepisyaryo ng Community Mortgage Program o CMP ng Social Housing Finance Corporation(SHFC). Sa pamamagitan ng CMP, nabili nila ang lupang kinatitirikan ng kanilang bahay mula sa tunay na may-ari. Ang aming ahensiya ang nagbayad sa may-ari,at ang halagang ito ay hinuhulugan naman ng mga miyembro ng asosasyon. Dun sa mga nakatanggap na ng titulo, ibig sabihin natapos na nilang bayaran ang halagang katumbas ng kanilang lupa.
Land Tenurial Assistance Program (NHA)
Kasabay po sa nakatanggap din ng titulo ang anim (6) na benepisyaryo ng Doongan Homeowners’ Association, Inc. Na nabayaran na rin ang kabuuan ng kanilang obligasyon sa pabahay. Sila naman po ay mga benepisyaryo ng Land Tenurial Assistance Program (LTAP) na pinapangasiwaan ng National Housing Authority(NHA).
Sa lahat po ng nakatanggap ng titulo, binabati ko po kayo. Ang hawak ninyong titulo ay bunga ng inyong pagsusumikap at pagpupursige. Patunay po ito na walang imposible kung lahat tayo ay nagtutulungan at maayos na ginagampanan ang kani-kaniyang obligasyon.
Certificate of Lot Awards for beneficiaries of Proclamation403 in Lianga, Surigao Del Sur
Samga nakatanggap naman kanina ng Certificate of Lot Awards (CELA) na mgabenepisyaryo ng Lianga Housing Project sa Surigao Del Sur sa ilalim ngPresidential Proclamation Number 403 noong 2003, hinihikayat namin kayo natularan ang mga benepisyaryo ng CMP at LTAP na kasama natin ngayon dito dahil hindi nila pinabayaan ang pagtupad sakanilang buwanang obligasyon sa pabahay. Hindinaman po siguro lingid sa inyong kaalaman ang kwento ng housing project na itona dating pribadong pag-aari. Pagkatapos pong ma-forfeit ng Bureau of InternalRevenue ang lupa ng dating nagmamay-ari nito dahil sa hindi pagbabayad ngbuwis, pinayagan ng ating pamahalaan na ipamahagi ang nasabing lupain sa mganakatira doon at iba pang kwalipikadong benepisyaryo, sa pamamagitan nga po ngPresidential Proclamation Number 403. Kung inyo pong mapapansin, ginawa ng gobyerno ang lahat para ang mga nakatira doon ay hindi na mapaalis pa. Sana lamang po, huwag ninyong sayangin ang pagkakataong ito na ibinigay sa inyo.
Hangad rin po namin na makamtam ninyo ang sarili ninyong titulo pagdating ng araw.
Resettlement projects of Nasipit and Tandag
Nasaksihan ninyo rin kanina ang unveiling ng subdivision plan para sa Nasipit Resettlement Project sa Agusan Del Norte at Tandag Resettlement Project sa Surigao Del Sur.
Sa tulong ng National Housing Authority na nagbigay ng halaga para sa land development, ang dalawang proyektong ito ay magkakaroon ng maayos na road network, power and water supply, at iba pa.
For the Tandag project, two hundred nine (209) lots will be generated.
The Nasipit Project, on the other hand, is expected to generate one hundred twenty six (126) lots which would benefit an equal number of families living along danger areas, including the families affected by the Nasipit Agusan Del Norte Industrial Estate.
Ang dalawang resettlement projects po na ito ay bunga po ng pagtutulungan ng aming ahensiya at ng lokal na pamahalaan.
CLUP Zero Backlog Program
Since I assumed office in 2010 as head of the key shelter agencies of the national government, and because of my experience as mayor of Makati for almost 20 years, I have always advocated for the promotion of partnership between the national and local governments in the delivery of housing and urban development programs and services. Likewise, the planning for the use of scarce resource, especially land, has been high in my agenda.
Kayanaman po, sa pamamagitan ng Housing and Land Use Regulatory Board, isinagawa namin ang CLUP Zero Backlog Program. Iisa lang po ang aming layunin - by 2013, dapat lahat ng mga local government units ay may updated na Comprehensive Land Use Plan na.
Bakit po namin isinasagawa ito? Dahil sa aming pananaw, mahalaga ang gaganaping papel ng CLUP dito sa rehiyon ninyo.
Mayaman sa kasaysayan at masagana sa likas na yaman ang CARAGA region.
Surigao Del Sur has one of the largest iron deposits in the world. Lake Mainit, the country’s third largest lake, holds enormous fishery resources. Nag-gagandahanang mga dagat dito sa inyo tulad ng Magpupungko Beach sa Siargao Island natalaga namang dinarayo ng mga turista mula ibang bansa. Nariyan din ang Enchanted Cave ng Hinatuan at Tinuy-an Falls ng Bislig City.
Dahil dito, dapat siguraduhin ng mga lokal na pamahalaan na patuloy na maisaayos ang inyong mga lupain at mapangalagaan ang mga ito. Sa CLUP, nahihimay-himay natin ang angkop na gamit sa mga lupa sa ating nasasakupan. Sa pamamagitan ng CLUP, malalaman natin ang mga kabundukan na dapat nating pinoprotektahan at inaalagaan. Dahil din sa CLUP, madaling nakikita ang mga lupa na angkop sa agrikultura, komersiyo, pabahay at iba pa.
With a well planned CLUP, it would also be easier for investors to identify which parts of your areas are best suited for their proposed business venture. As a matter of fact, some investors already require a CLUP before even considering putting up a business.
This is how important a CLUP is. Formulation or updating of a CLUP is no longer just a compliance of our mandate under the Local Government Code. CLUP will determine how prepared we are for the future of our localities. And we in the housing sector are hoping for your full support and cooperation in the CLUP Zero Backlog Program.
Kaya naman po, kinilala natin ang suportang ibinigay ng limang (5) LGUs dito sa CARAGA sa pamamagitan ng pagbibigay ng bronze award sa mga nakatapos na ng CLUP at naghihintay na maaprubahan ito ng Sangguniang Panlungsod, at certificates of completion naman para sa apatnapu’t siyam (49) na LGUs na nakatapos sa CLUP trainings naisinagawa ng HLURB.
Sana sa aming pagbabalik dito sa CARAGA, lahat na ng LGUs ay gold awardees na. Ibig sabihin nito meron na kayong updated CLUP na aprubado ng Sangguniang Panlalawigan o ng HLURB.
Closing
Gaya po ng patimpalak na Mutya Hong Butuan, magaganda ang inaasahan natin sa pagsasama-sama ng mga sektor na may kinalaman sa pabahay. Pero hindi po namin kayang mag-isa ito. Kailangan namin ang tulong ng mga lokal na pamahalaan at maging ng mga benepisyaryo.
Kaya,kami po sa sektor ng pabahay ay umaasang patuloy ang inyong suporta sa ating mga magagandang nasimulan na. Sama-sama po tayo sa pagsulong sa pagpapaganda ng buhay ng mamamayang Pilipino.
Daghangsalamat ug maayong adlaw.