Thank you, Usec. Alba for that kind introduction.
Magandang Umaga po sa inyong lahat.
On behalf of HUDCC, our key shelter agencies, government financing institutions like BSP and SSS, and our partner developers, it is my pleasure to welcome you all to the 10th Housing Fair.
I understand that the Housing Fair started on October 27, 2006 in Glorietta, which was simultaneously held in the Cities of Cebu and Davao to cater to our clients in Visayas and Mindanao. And since then, it has been a tradition of celebrating the Shelter Month every October of the year.
Bago po ako naging Chairman ng HUDCC, ang akin pong mandato ay ang makapagbigay ng maayos na pabahay para sa mga informal settlers, partikular na sa mga nakatira sa mga peligrosong lugar, yung mga naging biktima ng kalamidad at yung nakatira sa mga lupa ng pamahalaan na tatamaan ng infrastructure projects.
Pero alam ko rin po na mas marami sa ating mga kababayan ay ang mga karaniwang taong nagtatrabaho araw-araw, kumikita ng sapat lang para sa kanilang pangangailangan. Mga taong nangungupahan lang o kaya ay nakikitira sa mga kamag-anak dahil kulang ang kakayahang makabili ng sariling bahay.
Kayo po ang dahilan sa pagsasagawa ng taunang Housing Fair.
Tatlo po ang aming layunin sa Housing Fair na ito.
Una, ang mabigyan ang ating mga kababayan ng pagkakataong makapili at makabili ng bahay at lupa sa abot kayang halaga. Kaya para mas madali, pinagsama-sama po namin sa iisang lugar ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na may mga acquired assets o foreclosed properties at pati na rin ang mga pribadong developers na siya namang nag-aalok ng mga bagong pabahay. Kasama na rin ang mga programa para makatulong sa inyo sa pagbibigay ng financing para mabili ninyo ang mga bahay na yan.
Pangalawa, ang mabigyan ng recognition ang iba’t ibang organisasyon na nakatulong sa amin sa pagtupad sa aming mandato:
- Ang mga Local Government Units na tumutulong sa atin upang masugpo ang mga gawain ng mga professional squatters at squatting syndicates at hindi na maloko ang ating mga kababayan na nangangailangan ng pabahay;
- Ang mga communities na kasama natin sa pagbuo ng maayos na komunidad;
- At ang mga developers na katuwang natin sa paggawa ng mga disente at abot-kayang pabahay.
At ang ikatlong layunin: Ang makapagbigay sa inyo ng impormasyon sa iba’t ibang programang pabahay ng pamahalaan, kasama na ang mga pamamaraan at tips sa pagbili ng bahay. We also invited some companies to demonstrate their products for your housing needs.
Kaya’t sana ay samahan ninyo kami dito sa 2016 Housing Fair hanggang Linggo.
Before I end, I want to thank and congratulate the organizers and everyone who made this Housing Fair a success.
Muli, Magandang Umaga at maraming salamat po.