Region III Pabahay Caravan, Clarkfield, Pampanga (June 27, 2011)

            Mga kapwa ko manggagawa sa gobyerno, ang ating mga kasamahan sa pabahay, mga panauhin at mga kaibigan, magandang umaga po.
            Noong ako ay nagpunta rito sa pampanga noong Enero 14, ipinangako ko po na ihahatid ko sa inyo ang iba’t ibang pambansang programa sa pabahay na ipinapatupad ng ating key shelter agencies.
            Ngayon, akin pong tinutupad ang pangakong iyon. Sa pamamagitan ng Pabahay Caravan, isinama po natin ang mga pinuno at opisyal ng mga ahensyang ito upang ipakilala sa mga lokal na pinuno ng Region 3 ang iba’t ibang pamamamaraang pabahay para sa LGUs.
            Pangalawa, naririto po kami upang ipangako rin ang aming pakikipagtulungan sa inyo– ang mga lokal na pinuno–upang inyong matugunan ang inyong mga pangangailangan sa pabahay.
            Ang caravan na ito ay naaayon sa isang mithiin: ang social contract ni Pangulong Aquino sa sambayanang Pilipino.
            At ito ay upang magbigay daan sa alternatibong pamamaraan ng urban development. Ang ibig sabihin nito, kasama po ang lahat sa pag-unlad na ito, lalung-lalo na ang mga mahihirap, upang sila ay mapasama sa isang produktibo, masigla at mapayapang komumidad.
            I must admit that we foresaw a rather tough job in this leg of the caravan. Naisip namin na baka mahirap po kayong kumbinsihin sa sinseridad ng aming mga hangarin pagkatapos ng malungkot na mga karanasan sa Globe Asiatique at Xevera housing project dito sa Pampanga.
            Batid po nating lahat ang ilegal na pamamaraan ng developer na ito. Nadaya po ang Pag-IBIG Fund na maglabas ng pondo at saka po niloko ang mga tao na bumili ng mga lote at bahay na pagmamay-ari na pala ng ibang tao.
            Nakakalungkot po ang pangyayaring ito, sa madaling salita.
            Ngunit ito po ang masasabi ko sa inyo: agad po kaming kumilos at kami ay handang kumilos muli kung kinakailangan upang matigil ang kasamaang ito.

            Ang Globe Asiatique at kanyang mga kasamahan ay nasampahan na ng syndicated estafa sa Department of Justice. Bukod dito, hindi bababa sa 27 na karagdagang bilang ng kasong syndicated estafa ang naisampa ng mga biktima ng double sale at ngayon ay kasalukuyan na pong dinidinig.
            Sa bahagi naman ng Pag-IBIG Fund, upang hindi na po maulit ang pangyayaring ito, ay tinitingnan na nila ang mga polisiya upang maprotektahan ang kanilang mga miyembrong nangungutang at maging ang ahensiya mismo.
            Ngayon, bumalik po tayo sa hangarin ng aming pagpunta rito.
            Gaya ng sinabi ko kanina, kami po ay makikipagtulungan sa inyo upang mapalaki ang inyong production base para sa mga bagong pabahay. Hindi po kakayaning mag-isa ng sentral na pamahalaan na tugunan ang pangangailangan sa pabahay ng bawat rehiyon at lalawigan sa bansa. Kailangan po namin kayo, mga LGU, upang matugunan ang 3.6 million na pangangailangan sa pabahay.
            Kaya po ako ay nakikiusap sa inyo ngayon na bumuo ng isang lokal na housing unit sa inyong mga lugar. Kailangan po natin ito upang magsilbing plataporma sa pagpapatupad ng probisyong ng Republict Act 7279 o ang Urban Development and Housing Act.
            Alam po natin na maraming LGUs ang may sapat na mapagkukunan upang magpatupad ng housing projects para sa kanilang mga kababayan. Marami sa kanila ang may mga sapat na lupa para sa pabahay, samantalang ang iba ay nangangailangan lamang ng tulong sa kung papaano magpatupad ng programang pabahay.
            Ang Central Luzon ay isa sa mga rehiyon na biniyayaan ng malawak na lupain. Hindi lamang iyan, sa 2.1 million na ektarya ng lupa na bumubuo sa rehiyon, mahigit kalahati rito ay alienable at disposable – isang bagay na wala sa ibang mga rehiyon.
            Kami po sa housing sector ay lubos ang pasasalamat sa Region 3, lalung-lalo na sa Bulacan at Pampanga, sa pakikibahagi sa amin ng lupain nila. Nasa dalawang lalawigang ito ang labing-anim na resettlement projects ng pamahalaan na kilala bilang Northville.
            Simula noong maipatupad ang community-based relocation, isang paraan kung saan ang mismong mga benipisyaryo ang nagdedesisyon kung saan sila lilipat, karamihan sa kanila ay pinipili ang Bulacan.

            Hindi po ito nakapagtataka, dahil napakalapit ng Bulacan sa Metro Manila. Nais ng mga pamilyang inililikas na mailipat sa lugar na walang masyadong epekto sa kanilang paghahanap-buhay.
            The AFP/PNP Housing Program, initiated by President Noynoy Aquino himself, was also launched in Bocaue, Bulacan by the President and myself on May 23.  Three of the AFP/PNP housing projects will be implemented in Bulacan namely, Bocaue, San Jose Del Monte and San Miguel. This has been included in the 2011 work program of the NHA with a budget of P1.7 billion.
            Despite these housing programs, Central Luzon remains largely an agricultural area.  It continues to be one of the largest rice growing regions and is often described as the rice granary of the country.
            Does this mean that housing programs should have no place in your Region, or, on the other hand, that housing has taken over your agricultural land?  

            We do not think so.  I believe that there is balance in the way the region allocates its land and ensures the rational and sustainable development of its land resources.  And we should keep it that way.
            That is why it is important to have an updated Comprehensive Land Use Plan   (CLUP). The CLUP serves as the clear guide for implementing housing and other programs in your cities and municipalities. But it is urgent to update your CLUP to ensure that the towns in Region 3 will continue to comprise the agricultural center of Luzon, even as they provide their constituents such basic services as housing.
            Also, Region 3 CLUPs must be updated because Central Luzon is the third most populous and one of the most progressive regions in the country.  With your growth corridor as envisioned in the region’s Medium Term Development Plan, it is only proper to anticipate the increase in the worker population, together with their housing needs, even as the region goes on the road to its economic vision.
            And since the Pabahay Caravan is about empowering LGUs to deliver housing programs, we formulated schemes exclusive to LGUs.
            The Housing and Land Use Regulatory Board can help you draw up your CLUPs or to update them if you already have one. The HUDCC can assist you in the formulation of your Local Shelter Plans (LSPs) by determining available resources in relation to your housing need.
            LGUs that have land and are intending to develop local residential subdivisions may avail of Pag-IBIG Fund’s LGU Pabahay Loan Program. Pag-IBIG’s P50-billion allocated budget for 2011 for its end-user financing program is ready to be tapped for the housing needs of your people, especially your workers.
            The National Housing Authority, under its Resettlement Assistance Program, is always ready to offer assistance to LGUs intending to provide relocation for their informal settlers. In this scheme, the LGU provides the land while NHA funds site development and housing construction.
            For LGUs who have no land, there is the Localized Community Mortgage Program or LCMP which has funds that could be used to acquire land for their housing projects. Under this program, LGUs’ limited housing budgets are supplemented by funds from the Social Housing Finance Corporation (SHFC) equivalent to 75% of the project cost.
            For everyone’s information, Region 3 has a total of 113 housing projects taken out under the Community Mortgage Program, with 23,010 beneficiaries. A total of 18 projects, equivalent to around P121 million, are in the pipeline that once approved, would benefit 2,643 more families in this region.
            The NHA, on the other hand, has allocated for this year a total of P209 million for its resettlement projects in Region 3, including the Nayong Kalikasan Housing Project in Aurora Province.
            At the same time, due to your region’s proximity to Metro Manila, private developers find it good grounds to invest.
            This is perfect, of course, for the government’s PPP, or the Public-Private Partnership program. Again, we are not short on stimulating private sector participation here always with the reminder to invest as well in housing projects for the poor.
            Sa katunayan, ating binigyang hamon ang mga pribadong developer na makipagtulungan sa mga LGUs sa pag-develop ng mga hindi nagagamit na lupain ng pamahalaan. Ito ay perpektong paraan sa pagsunod sa 20% na balanced housing requirement na nakasaad sa Urban Development and Housing Act.
            Mga kaibigan at mga kasama kong manggagawa sa gobyerno, umasa po kayo sa indibidwal at sama-samang layunin ng mga ahensiya sa pabahay na maghanap ng mga pamamaraan upang matugunan ang mga pangangailangan sa pabahay ng ating mga kababayan. Ng inyong mga kababayan.

            Upang mapagtibay ang ating mga gawain sa pabahay – mula sa pribadong sektor hanggang sa LGUs at ang pamahalaang sentral – narito kami upang hikayatin kayo sa pamamagitan ng aming Pabahay Caravan.
            Let us explore all the possible ways of working together. Let not one bad egg spoil the basket. One erring developer cannot pull down the national housing program. As they usually say, what cannot destroy us can only strengthen us. 
            Let that strength flow from the regions to the central government. Let that strength flow from Region 3 to Manila. Let the housing strength flow from the heart of the regions into the whole body of the nation.

            Maraming pong salamat.​